Liberal Party president, nagpasalamat sa DSWD

Liberal Party president, nagpasalamat sa DSWD

NAGPASALAMAT si Albay Rep. Edcel Lagman sa tulong na ipinaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naaapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Ani Lagman na siya ring pangulo ng opposition wing na Liberal Party, maagap ang mga tulong na ipinadala ng DSWD sa mga kababayan niyang apektado ng sakuna.

Bukod sa DSWD, nagpasalamat din si Lagman kay House Speaker Martin Romualdez.

“I thank Speaker Martin Romualdez and DSWD Secretary Rex Gatchalian for ensuring the timely assistance to evacuees and other affected families in the wake of Mayon’s volcanic outbursts,” ayon kay Lagman.

Ipinaabot naman ni Lagman ang pasasalamat ng mga taga-Albay 1st District sa suporta ng pamahalaan sa kanila na apektado ng Mayon.

Matatandaan na bihira lamang kung magpasalamat ang presidente ng Liberal party sa administrasyon.

Kadalasan kasi sa mga pahayag nito patungkol sa gobyerno ngayon ay pagkuwestyon, puna, at kritisismo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter