Libreng newspaper na ‘The Philippine Gazette’, inilunsad ng PCO

Libreng newspaper na ‘The Philippine Gazette’, inilunsad ng PCO

INILUNSAD ng Presidential Communications Office (PCO) – Bureau of Communications Services ang The Philippine Gazette nitong Mayo 24.

Ayon sa PCO, ito ay isang libreng pahayagan na magsisilbing tulay upang maiparating sa mga Pilipino ang mga impormasyon hinggil sa mga programa at proyekto ng administrasyong Marcos.

Maaaring makakuha ng kopya ng The Philippine Gazette newspaper mula sa mga piling istasyon ng LRT-2 gaya ng Recto, Cubao, at Santolan stations.

Makakukuha rin ng kopya ng naturang pahayagan sa PNR Tutuban station at maging sa Manila North Harbor Terminal at Victory Liner Terminal sa Pasay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter