NAKAPAGSILBI ng 13,378 bilang ng commuter sa National Capital Region (NCR) ang ‘Libreng Sakay’ ng Philippine National Police (PNP) simula nang isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang lugar.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, kabilang sa mga transportasyon na ginagamit ng PNP ang dalawang bus, limang utility trucks, at dalawang coasters na regular na bumibiyahe mula sa pick-up hanggang sa drop-off points sa loob ng lungsod.
(BASAHIN: PNP, magsisimula nang gumamit ng body cameras sa Abril —Palasyo)
May binibigay ding face masks, bottled water, at magagamit na information materials sa mga commuter.
“This is the PNP’s way of reaching out to citizens by providing mobility and other extended services to authorized persons (APOR) so that they could attend to their work with convenience even while the ECQ is in effect,” dagdag ni Sinas.
Bumibiyahe ang Libreng Sakay ng PNP sa pitong regular na ruta mula sa EDSA-Crame hanggang Meycauayan at San Jose del Monte City, Bulacan, Zapote hanggang Bacoor, Cavite, Rodriguez, Antipolo City at Taytay, Rizal.
Sinusunod ng PNP Libreng-Sakay ang 50% seating capacity policy sa pampublikong sasakyan na ipinatutupad ng Department of Transportation (DOTr).
(BASAHIN: 252 pulis, nasibak simula nang umupo sa puwesto si PNP Chief Sinas)