Libu-libong KOJC members sa Hong Kong, nagtagisan ng galing sa sing and dance competition

Libu-libong KOJC members sa Hong Kong, nagtagisan ng galing sa sing and dance competition

NAGTAGISAN sa pag-awit at pag-sayaw ang libu-libong miyembro ng Kingdom of Jesus Christ sa kanilang taunang Workers Olympics sa Hong Kong.

Walang mapagsidlan ng tuwa at saya ang mga kalahok kasabay ng kanilang taos pusong pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy sa napakasayang break para sa kanila.

Mula sa kantahan hanggang sa sayawan bawat isa – todo-bigay at ‘di paaawat!

Tinatawag na – Asia’s World City – kilala ang Hong Kong bilang isang natatanging lugar kung saan pinagsasama ang tradisyon at modernidad.

Pagdating naman sa bansang kaharian – isa ang KOJC Hong Kong chapter sa mga pinaka-pinagpalang lugar dahil hitik ito sa spiritwal na mga bunga.

Taun-taon nagsasagawa ng pagtitipon sa ibat ibang panig ng mundo ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ bilang bahagi ng kanilang pagbabalik ng pasasalamat sa Ama sa pamamagitan ng Hinirang na Anak sa mga pagpapalang kanilang tinatanggap sa araw-araw at higit sa lahat sa kanilang kaligtasan.

Matapos ang tagisan ng galing at talento itinanghal na kampeon ang Central Region para sa taong ito.

Samantala, hindi naman maitulak kabigin ang pagkamangha ng mga Banateros bros at SMNI host na si Ka Eric Celis matapos nitong makita ang pagkakaisa, disiplina at pag-ibig na namumutawi sa bawat miyembro ng KOJC na sumasalamin anila sa magandang pagtuturo ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang spiritual leader.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble