Local officials, kinasuhan dahil sa POGO operations sa mga nasasakupan—PAOCC

Local officials, kinasuhan dahil sa POGO operations sa mga nasasakupan—PAOCC

KINASUHAN na ang mga local government official ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) kaugnay sa presensiya ng Philippine Overseas Gaming Operations o mga POGO sa kanilang mga nasasakupan.

Hindi lang idinetalye ng PAOCC kung ilan na local officials ang kinasuhan.

Sa paliwanag ng PAOCC, hindi magkakaroon ng POGO operation sa isang lugar kung walang alam ang lokal na pamahalaan.

Noong Hulyo 2024 nang ipagbawal na ng pamahalaan ang operasyon ng POGO sa Pilipinas at binigyan lang ang lahat ng mga dayuhang manggagawa dito na makaalis sa bansa hanggang Disyembre 31.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble