LRT-1, 2 at MRT-3, may libreng sakay bilang pakikiisa sa ika-126 Araw ng Kalayaan

LRT-1, 2 at MRT-3, may libreng sakay bilang pakikiisa sa ika-126 Araw ng Kalayaan

BILANG pakikiisa sa paggunita sa ika-126 Araw ng Kalayaan ay may libreng sakay ang LRT1, LRT2, at MRT3.

Sa abiso ng Light Rail Manila Corporation, magsisimula ang kanilang libreng sakay ng 7:00 am – 9:00 am at muli itong maa-avail ng 5:00 pm – 7:00 pm.

Magpapatupad ng normal holiday schedule ang LRT1 kung saan bibiyahe ang unang tren mula Baclaran at Fernando Poe Jr. stations ng 5:00 am at ang huling biyahe ng tren naman ay 9:30 pm mula Baclaran station at 9:45 pm mula Fernando Poe Jr. station.

Samantala, bukod sa LRT 1, may alok din na libreng sakay ang LRT line 2 at MRT-3 sa kaparehong oras sa umaga, hapon at gabi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble