LTFRB, naghahanda sa pagdagsa ng pasahero ngayong Pasko

LTFRB, naghahanda sa pagdagsa ng pasahero ngayong Pasko

Pinaghahandaan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang inaasahang pagdagsa ng pasahero ngayong kapaskuhan sa pamamagitan ng sapat na public utility vehicles (PUVs) at ride-hailing services sa Metro Manila at iba pang highly urbanized areas.

Ayon kay acting LTFRB Chairman Greg Pua Jr., inaasahang tataas ang biyahe ng publiko dahil sa Christmas bonuses at mas aktibong pamimili sa mga mall at pamilihan.

Sinusuri na ng ahensiya kung sapat ang kasalukuyang bilang ng mga pampublikong sasakyan upang matugunan ang inaasahang demand.

Inatasan din ang mga regional office na bantayan ang sitwasyon sa kanilang mga lugar upang agad na maaksiyunan ang kakulangan sa sasakyan at mga reklamo.

Pinaaalalahanan naman ang mga PUV operators at drivers na sundin ang fare discounts, tamang pakikitungo sa pasahero at road safety rules.

Hinikayat din ang mga commuter na i-report ang overcharging at iba pang paglabag sa LTFRB hotline 1342 o sa social media accounts nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter