Panukalang unified flood control at drainage master plan para sa Metro Manila, aprubado na sa Kamara

Panukalang unified flood control at drainage master plan para sa Metro Manila, aprubado na sa Kamara

Inaprubahan na ng House of Representatives sa third and final reading ang House Bill 11602 na naglalayong magtatag ng iisang flood control and drainage system master plan para sa Metro Manila.

Nakakuha ang panukala ng 212 boto pabor, walang tumutol at walang nag-abstain.

Sa ilalim nito, magkakatuwang na bubuo at magpapatupad ng master plan ang DPWH, DENR, MMDA, iba pang ahensiya ng gobyerno at lahat ng Metro Manila local government units.

Binigyan ang mga ahensya ng 60 araw mula sa pagiging epektibo ng batas upang buuin at repasuhin ang plano.

Layunin nitong pag-isahin ang flood control at drainage projects ng bawat lungsod upang maiwasang ang solusyon sa pagbaha sa isang lugar ay magdulot naman ng panibagong problema sa ibang lugar.

Gagamit din ito ng data-driven approach upang matukoy ang mga priority projects at hakbang laban sa paulit-ulit na pagbaha sa Metro Manila.

Follow SMNI NEWS in Twitter