Planong palitan ng Department of Transportation (DOTr) ng self-cleaning toilets ang mga portable toilets sa EDSA Busway stations upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga pasilidad.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, pinag-aaralan nila ang paggamit ng ganitong sistema na makikita rin sa Japan at iba pang bansa.
Inatasan din ni Dizon ang DOTr na bilisan ang clearing operations sa mga footbridge na papunta sa Metro Rail Transit (MRT) at Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) Busway stations upang hindi mahirapan ang mga commuter.
Humiling na rin ang DOTr sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ilipat sa ahensiya ang responsibilidad sa maintenance ng mga footbridge at elevators, na target maisagawa sa susunod na taon.
Sa 13 EDSA Busway stations, pito na ang sumailalim sa rehabilitasyon, habang inaasahang matatapos ang natitirang stations sa susunod na taon.
