Mahigit ₱1M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA Pangasinan; High-value target drug personality, natimbog

Mahigit ₱1M na halaga ng shabu nakumpiska ng PDEA Pangasinan; High-value target drug personality, natimbog

AABOT sa mahigit isang milyong pisong halaga ng iligal na droga at isang baril ang nakumpiska ng mga personahe ng Philippine Drug Enforcement Agency – Pangasinan Provincial Office habang nahuli naman sa operasyon ang dalawang suspek kabilang ang isang high-value target drug personality.

Sa kulungan ang bagsak ng isang high-value target drug personality sa Urdaneta City sa Pangasinan at isa pang suspek matapos ang ginawang buy-bust operation ng pinagsamang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Pangasinan Provincial Office (PDEA-PANGPO) at Urdaneta City Police Station.

Maliban sa mga nahuling suspek, nakuha din sa nasabing buy-bust operation ang tatlong piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalaang shabu na may bigat na humigit-kumulang 250 gramo na aabot sa one million seven hundred thousand pesos (₱1,700,000.00) ang halaga, at isang caliber .45 pistol.

Kinilala ang mga nahuling suspek na si alyas Ed, 40 taong gulang, na nakatira sa Urdaneta City, Pangasinan at itinuturing na isang high-value target drug personality, at ang kasama nito na si alias McGyver, 21 taong gulang, na nakatira sa Malasiqui, Pangasinan.

Nakuha din ang isang magazine at mga bala, mga drug paraphernalia, isang Mitsubishi Montero, dalawang mobile phones, at ang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002; at RA 10591 o Comprehensive Firearm and Ammunition Act in relation to COMELEC Gun Ban ang isasampang kaso laban sa mga nahuling suspek na kasalukuyang nakadetine sa PDEA PANGPO jail facility sa Urdaneta City.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble