Mahigit 1.8-M pamilya, nakinabang sa Kadiwa ng Pangulo sa buong bansa—PBBM

Mahigit 1.8-M pamilya, nakinabang sa Kadiwa ng Pangulo sa buong bansa—PBBM

KABILANG sa ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang Kadiwa ng Pangulo, kung saan mahigit 1.8-M pamilyang Pilipino ang nakinabang.

Maliban dito, maraming magsasaka at kooperatiba ang nabigyan ng kabuhayan, kung saan umabot sa halos P700-M ang naging benta sa ilalim ng naturang programa.

Magugunita na kamakailan ay nilagdaan ng Department of Agriculture (DA) at iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Mga smuggler at hoarder ng agri-products, bilang na ang araw—PBBM

Samantala, nagbabala naman ang Pangulo sa mga smuggler at hoarder ng mga agricultural product na naging dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ipinangako naman ni Pangulong Marcos ang pagtulong ng pamahalaan na mapataas ang produksiyon ng mga magsasaka upang maabot ang target na food security.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble