DINALUHAN ni MGen. Luis Rex Bergante, Commander ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom), ang ginawang Former Rebels (FRs) Summit.
Sa nasabing aktibidad naging panauhing pandangal ang opisyal na ginanap sa Headquarters ng 60th Infantry Battalion (60IB) sa Brgy. Dona Andrea, Asuncion, Davao del Norte.
Ang naturang FR Summit ay dinaluhan ng aabot sa 150 former rebels mula sa Davao del Norte at Agusan del Sur layon ng nabanggit na summit na mas patibayin pa ang peace-sustaining initiatives ng gobyerno.
Sa kanyang talumpati hinikayat ni MGen. Bergante ang mga natitirang myembro ng komunistang teroristang grupo na magbalik loob sa pamahalaan at iwanan ang armadong pakikibaka.