DUMATING na sa Misamis Oriental ang 17,400 dosis ng CoronaVac ng Sinovac ngayong madaling araw, Marso 4.
Ayon ito sa Twitter post ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar.
Ang mga bakuna ay lumapag sa Laguindingan International Airport ng nasabing probinsiya.
Nakatakda ang vaccination drive bukas, Marso 5 para sa mga manggagawa at personnel ng Northern Mindanao Medical Center.
Ang nasabing mga bakuna ay bahagi sa 600,000 dosis ng COVID-19 vaccine na binigay ng gobyerno ng China sa bansa.
Ilalagak ang mga bakuna sa isang pasilidad ng Department of Health Region 10.
Samantala, kasabay rin na dumating ang 36 boxes o 21,600 vials ng CoronaVac COVID-19 vaccine sa Davao City kaninang alas 6:18 ng umaga.
TINGNAN: 36 boxes o 21,600 vials ng Coronavac #COVID19 vaccine dumating na sa Davao City kaninang 6:18n.u.
? PIA pic.twitter.com/bZ8NjIT19Y
— SMNI News (@smninews) March 4, 2021
? PIA pic.twitter.com/bZ8NjIT19Y
— SMNI News (@smninews) March 4, 2021
Dinala ang nasabing mga bakuna sa storage facility ng Department of Health Region 11.
Mauunang mabakunahan ang mga medical frontliner.