NANGANGANIB ang mahigit 300 na residente sa Bacolod City na makararanas ng ashfall sakaling puputok muli ang Bulkang Kanlaon.
Inaasahang pinakamaapektuhan nito ayon sa Bacolod City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang mga lugar tulad ng Brgy. Estefania na may populasyong aabot ng 42K (42,341); at Brgy. Mansilingan na may halos 28K (27,526) na populasyon.
Kabilang din sa may pinakamaraming maaapektuhan ang Brgy. Taculing na may 26K (26, 486) na populasyon.
Samantala, pinaghahandaan na ng mga awtoridad at ng lokal na pamahalaan doon ang posibleng pagputok muli ng Bulkang Kanlaon.
Follow SMNI News on Rumble