Mahigit 45K manggagawa sa sektor ng edukasyon, nakatanggap ng cash aid mula sa CAMP

MAHIGIT sa 45,000 na mga manggagawa sa sektor ng edukasyon mula sa pribado at pampublikong mga paaralan ang nakatanggap ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Bureau of Local Employment (BLE) Rolly Francia, DOLE-Information and Publication Services (IPS) director, nasa kabuuang 45,715 na mga education personnel kabilang ang mga guro ang nabigyan ng pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng P228 milyon sa P300 milyong badyet nito.

“According to the Bureau of Local Employment, the program manager for CAMP for education, over PHP228 million have been given to 45,715 people both private and public in the teaching profession,” pahayag ni Francia.

Matatandaan na kinuwestyon ni Senator Sherwin Gatchalian ang umano’y mabagal na distribusyon ng cash aid sa mga guro at non-teaching personnel na naapektuhan ng pandemya.

“The funds have been given to the beneficiaries. There’s a balance of PHP62 million of the PHP300 million allocated for this program,” ayon ni Francia.

Ayon pa ni Francia, may natitira pa sa pondo dahil wala nang nagsumiteng aplikante.

“There are no more takers, no more applicants but we are ready to dispose of the funds,” dagdag pa nito.

Mayroon pa aniyang karagdagang 14,000 na mga manggagawa mula sa sektor ng edukasyon ang tatanggap mula sa nasabing programa.

Sa ilalim ng CAMP, makatatanggap ang mga benepisyaryo ng one-time cash assistance na nagkakahalaga ng P5,000 para sa mga naapektuhan ng pandemya.

SMNI NEWS