Mahigit P29M na tulong, naibigay sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon—NDRRMC

Mahigit P29M na tulong, naibigay sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon—NDRRMC

MAHIGIT P29M na ang naibigay na ayuda ng pamahalaan sa mga biktima ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa P12M (Php11,999,208.53) ang ibinigay sa Central Visayas habang P17M (Php17,013,481) sa Western Visayas.

Binubuo ang tulong na ipinamigay ng family food packs, hygiene at sleeping kits, at modular tents.

Hanggang nitong Disyembre 16, 2024, nasa 10.7K (10,784) ang mga pamilyang apektado sa dalawang rehiyon.

Sa kabilang banda, patuloy ring pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente na malapit sa Bulkang Kanlaon.

Ito’y dahil aasahan pa anila ang dami ng sulfur dioxide emissions o asupreng ibinubuga ng nabanggit na bulkan.

Posible rin ayon sa PHIVOLCS na puputok muli ang Bulkang Kanlaon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter