UMABOT na sa kabuuang 2,290 na military healthcare workers ang nabakunahan na ng coronavirus (COVID-19) vaccine hanggang kahapon, Marso 4.
Kabilang sa mga ospital na unang nagbakuna sa mga frontline personnel ang Victoriano Luna Medical Center (VLMC), Camp Aguinaldo Station Hospital (CGEASH), Manila Naval Hospital (PNMNH), Army General Hospital (PAGH), at Air Force General Hospital (PAFGH) na may alokasyong 5,400 na bakuna.
“I am confident that our frontline personnel will make good use of this opportunity to confidently and safely dispense their duties as we collectively seek an end to this pandemic, “ ayon kay AFP Chief of Staff Lieutenant General Cirilito Sobejana.
Nagsagawa rin ang AFP ng Troop Information and Education (TI&E) sa bawat kampo upang matugunan ang mga isyu, pag-alala, at pangangamba ng mga sundalo kaugnay sa pagpapabakuna.
Muli namang pinahayag ni LtGen Sobejana na prayoridad sa mabakunahan na mga military ang medical healthcare workers.
“The AFP is grateful to the national government to have our health workers be among the first to receive a COVID-19 vaccine. This gives protection to our military frontliners as they carry out their duties to serve and treat our citizens,” ayon kay AFP Chief of Staff.
Nanawagan naman si Sobejana sa mga kawani na suportahan ang nagpapatuloy na vaccination program habang patuloy ang paglilingkod ng militar bilang frontliners sa pakikibaka laban sa COVID-19.
“The vaccination program will be our shield that shall aid us in protecting and preserving Filipino lives against the pandemic,” aniya pa.