Manila LGU, may babala sa mga market vendor na lalabag sa price ceiling

HINIHIKAYAT ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga producer, middleman at mga market vendor sa mga pampublikong  pamilihang sa lungsod ng Maynila na magkaisa sa pagpapatupad ng tamang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.

Ipinag-utos ni Mayor Isko sa mga market administrator na walang dapat na mangyayaring  pang-aabuso sa mga mamimili.

Iginigiit ni Yorme na dapat kung ano lamang ang nararapat na presyo sa mga pangunahing bilihin ang laging isa alang alang ng mga market administrator dahil sa ganitong paraan ay nabibigyan ng proteksyon ang mga mamamayan

Sa panayam kay Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ay nagbabala ito sa mga market vendor ng mga pangunahing pamilihan na dapat masunod pa rin ang price ceiling na itinakda ng national government.

Binigyan-diin ng alkalde na magkakaroon ng pananagutan ang  sinumang market vendor na lalabag sa mga presyo na itinakda ng pamahalaan.

Posible din mawawalan ng hanapbuhay ang sinumang indibidwal kung patuloy pa rin ang mga ito na lalabag sa naturang batas

Naniniwala din si Yorme na konting sakripisyo lamang ito dahil hindi magtatagal ay luluwag din ang mga naturang presyo.

Para kay Yorme mahalaga pa rin ang kumita ng kahit konti at ipagpasalamat sa Diyos kahit may pandemya.

SMNI NEWS