HINAHAYAAN lang ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na abusuhin ni House Speaker Martin Romualdez ang pera ng bayan.
Ito ang isiniwalat ni Vice President Sara Duterte kamakailan.
Ayon sa pangalawang pangulo, may mga video, mga kaso at may mga witness kaugnay sa pangwawaldas ni Romualdez ng pera ng bayan subalit hindi ito tinanggal sa puwesto ni Marcos Jr.
Ayon pa kay VP Sara, paikot-ikot ang House Speaker sa buong bansa para lang mamigay ng pera na para bang sa kaniya ito.
Mensahe pa ni VP Sara kay Romualdez, kahit mamigay pa ito ng pera, walang boboto nito bilang senador, pangalawang pangulo o kahit bilang pangulo ng bansa.
Dagdag pa niya, kahit sa Tacloban, ang hometown ni Romualdez ay hindi na sigurado kung makakakuha pa ito ng boto doon.
Samantala, ayon sa pangalawang pangulo, namimigay rin si Liza Marcos ng pera ng gobyerno kahit wala ito sa posisyon.