SASABAK na ngayong Sabado, Disyembre 9 sa isang boxing match ang Pinoy boxer na si Mark Magsayo kontra Isaac Avelar ng Mexico.
Gaganapin ang kanilang laban sa Infinite Reality Studios sa Long Beach, California.
Kamakailan ay lumipat ng panibagong weight division si Magsayo at sa kasalukuyan ay nasa super featherweight division na ito.
Ayon kay MP Promotions President Sean Gibbons, ang hakbang na ito ni Magsayo ay maaaring maging susi para makapaglaro ito muli sa world championships sa susunod na taon.