Martial Law, kayang maipatupad kung kasundo ang Kongreso—Atty. Trixie

Martial Law, kayang maipatupad kung kasundo ang Kongreso—Atty. Trixie

MULING binalikan ni Former Press Secretary of the Philippines Atty. Trixie Cruz-Angeles ang usaping term extension ni Former President Marcos Sr., na maiuugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyang administrasyon.

‘‘Sa totoo lang dati akala natin na napaka strikto natin, pero nakikita natin na it’s entirely possible na kapag kasundo mo ang Kongreso then martial law can be even extended later on.’’

“Term extension in the first Marcos administration, nagdeklara ng Martial Law para ‘di na siya tumakbo ulit muna for the presidency tapos he set the conditions para tuluy-tuloy ang kaniyang term kasi patapos na siya by that time di ba? So, eventually nagkaroon ng bagong Saligang Batas, nagkaroon siya ng additional powers including the power to make laws, including the power later on to na judicial power na mag issue siya ng arrest search and seizure order, naalala niyo ‘yun ‘yung Asso. tawag namin. Meron siyang judicial power, meron siyang power to make laws, tapos siya pa ang president,’’ pahayag ni Atty. Trixie Cruz Angeles, Former Press Secretary of the Philippines.

Ito ang ibinahagi ni Former Press Secretary Atty. Trixie Angeles sa naging kaganapan noong Martial Law sa ilalim ng dating administrasyon ni Marcos Sr.

At sa kasalukuyang nangyayari ngayon sa politika, gaya ng tangkang pagbabago ng konstitusyon sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI), maiuugnay ito sa Martial Law na layong palawigin diumano ng kasalukuyang administrasyon ang termino nito.

Ani Trixie, kinakailangan ng malaking pondo para baguhin ang konstitusyon, gaya na lang ng PI na maagang nasupalpal dahil sa umano’y maanomalyang pangangalap ng pirma ng taumbayan para sa Charter Change.

‘‘Masyadong malaki ang binuhos nilang pera para baguhin ang Saligang Batas para malimita dito. Besides alam natin papasok at papasok ‘yan either through a constitutional convention or through constituent assembly. So, if you put all of that together imposible na walang term extension, imposible na walang Charter Change and we already see and hear na ‘yun na po ang pinag-uusapan kahit sa Kamara among themselves,’’ ayon pa kay Atty. Trixie.

Kung sakaling maipatupad ang term extension ng administrasyon ay mapapabilang din aniya dito ang lahat ng opisyal ng gobyerno kahit pa patapos na ang panunungkulan ng isang kawani ng pamahalaan.

Follow SMNI NEWS on Twitter