Mas maigting na paglipol sa “peke” na sigarilyo, ipinag-utos ng PNP Chief

Mas maigting na paglipol sa “peke” na sigarilyo, ipinag-utos ng PNP Chief

INATASAN ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco D. Marbil, ang kapulisan na ipatupad ang nationwide crackdown laban sa mga peke at smuggled na sigarilyo.

Ang nasabing kautusan ay matapos na maiulat na nawawalan ng humigit-kumulang P25.5-B kada taon ang gobyerno dahil sa ilegal na kalakalan na ito na nagdudulot din ng malaking epekto at banta sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka ng tabako at panganib sa kalusugan ng publiko.

“I have directed all concerned police units to intensify the crackdown against fake and smuggled cigarettes. The PNP is committed to eradicating the illicit cigarette trade that not only undermines government revenues but also poses serious health risks to the public. Our intensified efforts will include heightened surveillance, stricter border controls, and coordinated operations with other law enforcement agencies,” ayon kay PGen. Rommel Francisco Marbil, Chief, PNP.

Ayon sa ulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR), ang paglaganap ng peke at smuggled na sigarilyo ay nag-ambag sa 15.9 porsiyentong pagbaba ng kita noong 2023, na nagkakahalaga ng aabot sa P25.5-B na pagbaba mula sa nakaraang taon.

Mula Enero hanggang Abril ngayong taon lamang, iniulat ng BIR na umabot sa mahigit P6-B na halaga ng kita ang nawala.

“The battle against counterfeit and smuggled cigarettes is not just a fight for revenue or law enforcement; it is a crusade to safeguard the health of our people and ensure economic stability. We will not rest until every illicit operation is dismantled, every counterfeit product seized, and every violator brought to justice,” ani Marbil.

Kaya bilang tugon sa lumalalang sitwasyon, inirekomenda ng BIR ang pagpapatupad ng mas mahigpit na hakbang upang labanan ang smuggling ng sigarilyo, tulad ng mas mahigpit na kontrol sa mga hangganan at mas pahusayin pa ang pagpapatupad ng pagsunod sa buwis.

Ang nasabing utos ng PNP Chief ay matapos ang serye ng matagumpay na operasyon na nagresulta sa pag-aresto ng mga indibidwal na sangkot sa smuggling ng sigarilyo sa iba’t ibang rehiyon at malalaking pagkumpiska ng kontrabando sa Sultan Kudarat, Tawi-Tawi, at Zamboanga City, maliban pa sa mga naunang operasyon.

Ang mga nasabing operasyon ay humantong sa pagkumpiska ng ilegal na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang P10-M.

Nanawagan din ang PNP Chief sa publiko na manatiling mapagmatyag at i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa pagbebenta at distribusyon ng pekeng sigarilyo. Ang mga anonymous na tip ay maaaring isumite sa pamamagitan ng mga dedicated hotlines ng PNP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble