Mass transit, solusyon sa lumalalang traffic sa Metro Manila—Secretary Dizon

Mass transit, solusyon sa lumalalang traffic sa Metro Manila—Secretary Dizon

PAGKAKAROON ng mass transit ang pinakamainam na solusyon upang maibsan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko partikular na sa Metro Manila.

Ito ang ipinahayag ni Department of Transportation (DOTR) Secretary Vince Dizon sa isang press briefing.

Halimbawa aniya rito ang pagkakaroon ng maraming tren, LRT at MRT.

Sinabi pa ni Dizon, maliban sa mass transportation ay mainam ang pagkakaroon ng mga espasyo para sa active transport gaya ng paglalakad at pagbibisikleta para maibsan ang trapiko.

Dapat din mabilis aniya matapos ang ginagawang subway sa kasalukuyan para sa ikagiginhawa ng pagbiyahe ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble