Mawawalang national ID, hindi maaaring magamit ng iba —PSA

TINIYAK ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi magagamit ng iba ang isang Philippine Identification (PhilID) card o national ID kapag ito ay naiwala ng may-ari nito.

“That is the beauty of the national ID which has no signature of the registered name. They can’t use your ID because there is no signature which they can forge. Once it is verified through fingerprint or iris scans,” pahayag ng PSA.

Ayon sa PSA, maaaring bumisita sa PSA ang isang indibidwal upang mag-apply ng kanyang national ID replacement.

Ngunit ang pag-isyu ng ID replacement ay may kaukulang bayad ayon sa Section 6 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng PhilSys Act.

“Issuance of a replacement ID due to loss has a corresponding fee.”

Babayaran din ang replacement ID para sa mga nasirang card o pagpapalit ng detalye.

Libre naman sa pagbabayad ng replacement fee ang isang indibidwal na may Certificates of Indigency na inisyu ng City/Municipal Social Welfare Office.

“Fees however, shall not apply to citizens presenting Certificates of Indigency issued by the City/Municipal Social Welfare Office,” ayon sa nakasaad sa IRR.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 2018 ang Republic Act 11055 o ang PhilSys Act na naglalayon sa patatag ng single national ID sa lahat ng mga Pilipino at banyagang residente ng bansa.

Magsisibing balidong pruweba ang national ID sa pagkakilalan na maging isang paraan sa mas mabilis na transaksyon sa pampubliko at pribadong sektor, pagpapatala sa paaralan at pagbubukas ng bank accounts.

Malaking tulong din ang national ID para sa gagawing transaksyon sa mga ahensiya ng gobyerno na kung saan ay iisa na lamang ang kailangang ipresentang ID.

SMNI NEWS