Metro Manila at ilang karatig na lalawigan makararanas ng power interruption ngayong linggo—Meralco

Metro Manila at ilang karatig na lalawigan makararanas ng power interruption ngayong linggo—Meralco

MAKARARANAS ng power interruption ang Metro Manila at ilang karatig-lalawigan ngayong linggo.

Ito ay dahil sa isinasagawang maintenance works ng Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa abiso ng Meralco, makararanas ng power interruption sa Metro Manila mula Pebrero 16 hanggang 17, mula 11:30 PM hanggang 5:30 AM.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang Intramuros, kung saan maaapektuhan ang ilang establisyemento tulad ng Manila Cathedral, Palacio del Gobernador, at Museo de Intramuros.

Sa Tondo, magkakaroon din ng power interruption sa bahagi ng Corregidor St. sa Pebrero 18 mula 9:00 PM hanggang 2:00 AM.

Samantala, sa Balut, maaapektuhan ang Gamban St., Guidote St., Beltran St., at Salonga St. sa Pebrero 19 mula 9:00 AM hanggang 2:00 PM.

Sa Quezon City, maaapektuhan ang Krus na Ligas sa Pebrero 18-19 mula 11:30 PM hanggang 4:30 AM.

Samantala, sa Pebrero 20, mawawalan din ng kuryente ang ilang bahagi ng Tandang Sora, kabilang ang Congressional Ave. Ext., Luzonville, Tierra Bella, Tierra Pura, at Villa Firenze.

Sa Pebrero 23 mula 8:30 AM hanggang 2:30 PM, maaapektuhan ang San Isidro (Galas), Don Manuel, Doña Josefa, Aurora, at Sampaloc.

Sa labas ng Metro Manila, apektado ng power interruption ang ilang lugar sa Bulacan dahil sa line reconductoring, pole replacement, at maintenance works sa Meralco-Angat Substation. Kabilang dito ang San Jose del Monte, San Ildefonso, San Rafael, Angat, at Pandi.

Sa Cavite, maaapektuhan ang Dasmariñas at Imus City mula Pebrero 18-19, mula 11:00 PM hanggang 4:00 AM, dahil sa relocation ng electricity facilities kaugnay ng ginagawang footbridge sa Gen. Emilio Aguinaldo Highway, Brgy. Anabu I, Imus.

Sa Rizal, mawawalan ng kuryente ang Antipolo City sa Pebrero 19 mula 12:01 AM hanggang 3:45 AM dahil sa line reconstruction works.

Sa Laguna, partikular sa Sta. Rosa, magkakaroon ng power interruption mula Pebrero 20-21, mula 11:00 PM hanggang 4:00 AM, dahil sa replacement at conversion ng electricity facilities.

Pinapayuhan ang mga apektadong residente na maghanda at magplano ng kanilang mga gawain upang maiwasan ang anumang abala dulot ng brownout.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble