INAASAHANG sa taong 2032 pa magiging operational ang Metro Manila Subway Project, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, maraming naging delay sa proyekto kaya’t hindi ito matatapos sa target year na 2028.
Ilan sa mga dahilan ng pagkaantala ay ang right-of-way issues at mga problemang lumitaw sa pagitan ng DOTr at kanilang Japanese partners.
Ang P488.4B Metro Manila Subway ay isang 33-kilometer underground railway na magkokonekta sa Valenzuela City at Parañaque City. Magkakaroon ito ng 17 stations.