Mga batang Aeta sa Iriga City nakatanggap ng maagang pamasko mula sa pamahalaan

Mga batang Aeta sa Iriga City nakatanggap ng maagang pamasko mula sa pamahalaan

AABOT sa 100 kabataang Aeta ang naging benepisyaryo sa isinagawang feeding program at gift giving na pinangunahan ng 49th Infantry Battalion, Government Service Insurance System (GSIS) Naga Branch, at Yraga Eagles Club na ginanap sa Ilian Tribe Settlement, Brgy. San Nicolas, Iriga City, Camarines Sur.

Layunin ng naturang aktibidad na makapagbigay ng saya at maipadama ang diwa ng Pasko sa mga batang Aeta.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga bata sa mga palaro at sa kanilang mga natanggap na maagang pamasko.

Ipinangako naman ng buong kasundaluhan ng 49IB na patuloy silang makikipag-ugnayan at makikipagtulungan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para makapaghandog ng kasiyahan sa mga mamamayan, lalong-lalo na ngayong nalalapit na Kapaskuhan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter