Mga bulakenyo hiling ang hustisya vs. Marcos Jr. admin

Mga bulakenyo hiling ang hustisya vs. Marcos Jr. admin

IBA’T ibang emosyon ng pagkadismaya ang ibinuhos ng mga Bulakenyo sa ginanap na rally ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanilang mga barangay.

Ayon sa kanila, kaawa-awa ang sinapit ng Butihing Pastor at ng kaniyang matalik na kaibigan na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Ang saklap, ang saklap talaga. Parang tutulo ang luha ko. Kalungkot kasi eh. ‘Yung hustisya—’yung mga taong deserve ang hustisya, sila pa ang naaapi. Hindi ko mahanap ang tamang salita, pero mas malalim pa sa ‘naapi’. Buong Pilipinas ang ipinaglalaban nila, tapos sila pa ‘yung tinatapakan, sila ‘yung nasa baba ngayon,” ayon kay Caryn Anne Luarca, Residente ng Brgy. Liang, Bulacan.

“Masakit po… Dahil po ‘yung ginawa nila, masakit po. ‘Yung nangyayari sa bayan natin, hindi po tama,” Rhodora San Pedro, Residente ng Brgy. Liang, Bulacan.

“Nakakalungkot at nakakaiyak. ‘Yung nangyayari kay Pastor Quiboloy, ipaglalaban ko ‘yun! Naiiyak talaga ako. Tapos ngayon, ‘yung nangyari kay Tatay Digong, gabi-gabi naiiyak ako,” wika ni Rodolfo Labarda, Residente ng Brgy. Liang, Bulacan.

Ganito ang nararamdaman ng maraming Bulakenyo—hindi lang dahil sa taas ng presyo ng bilihin, talamak na bentahan ng mga ilegal na droga, at lumalalang kriminalidad, kundi higit sa lahat, sa tahasang paglabag sa batas at kawalan ng hustisya.

Libu-libong Bulakenyo, naliwanagan sa kasinungalingan ng mainstream media laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Pero matapos ang rally, kung saan ipinaabot sa kanila ang mga totoong isyu at solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa, tila nag-iba ang ihip ng hangin – mas nakilala nila si senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Naliliwanagan ang isip ko… Hindi katulad noon, ngayon mas malinaw na,” wika ni Jocelyn Gomez, Residente ng Plaridel, Bulacan.

“Sobrang saya po, kasi maraming tao ang nabibigyan ng kaalaman tungkol sa tamang pagboto at tamang politiko,” ayon kay Prince Bunque, Youth PDP-Laban Supporter.

“Maganda kasi marami kaming naliwanagan. Alam mo naman ang mga bali-balita ngayon. Ngayon, nalaman na namin kung sino talaga si Quiboloy at kung ano ang nagawa niya. Wala kasing nakakaalam niyon noon. Ngayon, lahat nalaman namin—naliwanagan kami. ‘Yung mali naming hinala sa kanya, haka-haka lang pala. Naliwanagan lahat,” saad ni Adelaida Enriquez, Residente ng Plaridel, Bulacan.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang mga town hall meeting ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa iba’t ibang barangay sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble