Mga dekorasyong pamasko, bumaba ang presyo ngayong pandemiya

Mga dekorasyong pamasko, bumaba ang presyo ngayong pandemiya

BUMABA ang presyo ng mga dekorasyong pamasko sa Maynila ngayong pandemiya.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang hanapbuhay maitawid lang ang panggastos sa araw-araw.

Magdadalawang taon na nang tumama ang pandemiya sa bansa.

Marami rin ang naapektuhang bansa, mula sa kabuhayan hanggang sa kalusugan.

Sa kabila ng tugon mula sa mga bakunang dumadating sa bansa, kulang pa rin ito para tuluyang mabawi ang mga nawala at inagaw ng pandemiya.

Hindi mapipigilan ng bawat tao na mag celebrate sa tuwing kapaskuhan at magpunta sa lugar ng Dapitan upang bumili ng mga dekorasyong pamasko sa kabila ng pandemya.

Kilalang lugar sa Maynila ang Dapitan, sa ibat- ibang mga dekorasyong pamasko o palamuti sa bahay partikular na tuwing sasapit ang panahon ng kapaskuhan.

‘’Noong wala pa ang pandemiya, umaabot ang kita ko sa P100, 000 sa isang araw, pero ngayon, bagsak ang kita at kumakayod para may maitawid lang sa pamilya,’’ayon sa isang may-ari ng tindahan ng palamuti.

Karaniwan pag dumadating ang panhon ng kapaskuhan, tumataas ang presyo ng mga palamuti pero sa ngayon magiging afford na ng mga mamimili ang presyo dahil sa laki ng ibinaba nito mula sa dating original price.

Katulad ng mga dekorasyong pamasko na Sta claus, Christmas tree, Christmas balls, Lanterns, at iba pa.

Para naman sa mga kababayan natin, lalong-lalo na nasa ibang bansa, sa kabila ng mahirap na sitwasyon pag pinoy ka, walang pandemiya, tuloy ang saya at pasko anuman ang kinakaharap na problema iyan ang pusong pinoy.

SMNI NEWS