Mga miyembro ng AFP at PNP na sa-sideline sa mga politiko ngayong eleksiyon, sisibakin—AFP chief

Mga miyembro ng AFP at PNP na sa-sideline sa mga politiko ngayong eleksiyon, sisibakin—AFP chief

SISIBAKIN sa serbisyo at mahaharap sa iba pang parusa ang sinumang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na mapatutunayang suma-sideline bilang eskort ng mga politiko ngayong election period.

Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner sa panayam ng media sa Kampo Krame.

Ani Brawner, hindi dapat na maging partisan ang mga sundalo, sa halip ay dapat na pagtuunan ng mga ito ang seguridad ng publiko mula sa mga banta na maaaring mangyari sa gitna ng paghahanda ng kampanya hanggang sa botohan sa Mayo.

Sa panig naman ng PNP, hindi rin nila pinapayagan ang kanilang mga tauhan na magdoble ng duty bilang bahagi ng kanilang mandato na hindi maging apolitical ang kapulisan sa panahon ng halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble