Mga Pilipino, sawang-sawa na sa pamamalakad at panggigipit ng Marcos admin

Mga Pilipino, sawang-sawa na sa pamamalakad at panggigipit ng Marcos admin

HINDI na napigilan ng ilan sa ating mga kababayan ang kanilang nararamdaman kaugnay sa kung papaano pinapatakbo ng administrasyon ni Marcos Jr. ang Pilipinas.

Matapos na magsalita ni Vice President Sara Duterte patungkol sa ginagawang panggigipit sa kaniya ng mga umano’y alipores ni BBM ay nagkaroon ng lakas ng loob ang mga Pilipino na tumindig at ipahayag din ang kanilang pagkadismaya sa kasalukyang administrasyon.

Kasunod nito ay nagtipon-tipon sa EDSA Shrine ang ilan sa ating mga kababayan mula sa iba’t ibang lugar dito sa bansa upang ipahayag ang kanilang pagkadismaya sa gobyerno.

Iba sa kanila sinasabi na hindi patas ang kasalukuyang administrasyon.

“Ang masasabi ko lang sa panggigipit nila hindi kayo patas dapat pumatas kayo dahil ang mga ginagawa ng mga Duterte alam namin na ang ginagawa nila ay para sa taong bayan. Sumisigaw ako para ipaglaban ang mga Duterte dahil alam ko hindi kayo patas, nakikita namin ang ka-unfair lalo na sa Kongreso, napapanood namin ‘yan, hindi kami bulag at hindi kami tanga na maniwala kami sa inyo dahil alam namin ang katotohanan na ang mga Duterte ay nagsasabi ng totoo” ayon kay Marites, Duterte Supporter.

Para naman sa kilalang social media writer at influencer na si MJ Quiambao Reyes— suportado niya ang pagtipon-tipon ng ating mga kababayan sa EDSA Shrine dahil sa walang pakundangan na kurapsiyon na ginagawa ng mga iniluklok ng taong bayan at ang patuloy na panggigipit ng pamahalaan sa mga Duterte.

“Nandito ako para makiisa sa taong bayan, makiisa sa ating mga kapwa Pilipino na nananawgan na tama na po ang walang habas na paglustay ng ating pondo ng bayan, tama na ang walang tigil at walang katuturang panggigipit sa ating Vice President at ganon din sa Dating Pangulong Duterte,” ayon kay MJ Quiambao Reyes, Social Media Writer/Influencer.

Dismayado rin aniya ang milyun-milyong Pilipino dahil hindi tinupad ni Bongbong Marcos ang kaniyang pangako na ipagpatuloy ang sinimulan ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“’Yon na nga ang nakakalungkot dahil binoto natin sya sa pangakong continuity di ba? Lahat tayo 31 million ang bumoto sa kanya, and karamihan diyan binoto sya dahil naniwala tayo na ipagpapautloy nya ang mga magandang nasimulan ng Pangulong Duterte pero ano ang nangyari ‘yong mga big ticket projects hindi na natuloy,” ani MJ.

Kaya ang resulta,

“’Yong drug war nawala, nagbalikan na naman ang mga pushers ang mga adict ang mga drug lords yong sinasabi nilang POGO na tinanggal nila anong nangyari napalitan lang ng panibagong mukha na kaalyado nila,” dagdag nito.

Para naman kay Oliver Reyes na supporter ng mga duterte nabudol aniya ang milyun-milyong Pilipino.

“Nabudol po tayo, tatlong taon na so kailangan na po nating pababain si BBM kasi nakita po natin ang paghihirap lugmok na po sa kahirapan ang mamamayang Pilipino,” wika ni Oliver Reyes, Duterte Supporter.

Sigaw rin nila na magpa-hair follicle drug test si BBM.

“Ngayon ang isang hinihiling pa po namin magkaroon po tayo ng hair follicle drug test kailangan po magsimula ‘yan sa presidente pababa,” ani Reyes.

Nasa EDSA rin ang dating kadre na si Jeffrey “KA-Eric” Creliz at nanawagan ng pagkakaisa.

“Mga mamamayang Pilipino tayo’y nasa EDSA hindi para manawagan sa pag-aalsa kundi manawagan sa pagkakaisa, hindi tayo nananawagan na pabagsakin ang gobyerno, nanawagan tayo para sa reporma at pagbabago, ang EDSA ay historical symbol ng sama-samang pagkilos ng mamamayan sa mabuting layunin hindi para sa karahasan,” saad ni Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, Former Cadre.

Sa huli panawagan nila sa gobyerno.

“Mag-focus po tayo sa kung ano ang dapat gawin ng gobyerno para mapa-improve ang buhay ng mga Pilipino dahil sobrang taas na ng bilihin, bumalik na naman ang mga kriminal sa lansangan, konting ulan ay binabaha tayo, so ang mga bagay na ito ay dapat higit nating pinagtutuunan hindi ang pamumulitika hindi ang paggigipit sa Pamilyang Duterte.”

“Tama na ang pamumulitika, tigilan na, tigilan na ang mga Duterte ayusin natin ang Pilipinas” giit ni MJ.

Kung matatandaan nauna nang inihayag ni VP Sara na bago pa ang eleksiyon noong 2022 ay lumapit sa kaniya ang mga Marcos upang humingi ng tulong na nagresulta sa pagkapanalo ni BBM.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter