Mga Pilipinong mag-aaral nakakuha ng 71 medals sa math contest sa Thailand

Mga Pilipinong mag-aaral nakakuha ng 71 medals sa math contest sa Thailand

MULING nagbigay ng karangalan sa bansa ang isang grupo ng mga Pilipinong mag-aaral matapos makakuha ng kabuuang 71 medalya sa International Talent Mathematics Contest sa Bangkok, Thailand.

Sa nasabing kompetisyon, 2 ang nakakuha ng gintong medalya, 6 ang pilak, 34 ang tanso, at 29 ang merit medals.

Nasa 600 ang kalahok mula sa 10 bansa, kabilang ang Thailand, Brazil, Vietnam, Taiwan, Indonesia, Cambodia, Bangladesh, Saudi Arabia, Singapore, at Pilipinas.

Naganap ang International Talent Mathematics Contest noong Pebrero 22-25, 2025.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble