PATULOY ang panawagan ng ilang grupo ng pribadong ospital sa pamahalaan para sa karagdagang healthcare workers (HCW) ngayong patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa Private Hospitals Association of the Philippines, bagaman sumasapat pa ang bed allocation para sa mga COVID-19 patients ay kulang na kulang naman ang healthcare workers na kinakailangan upang matugunan ang dami ng mga pasyente.
Giit ng grupo, limitado ang mga HCW ngayong marami na rin sa mga ito ang tinatamaan ng virus at pahirapan pa ang pagkuha ng additional nurses.
Kaya naman, umaasa silang magkakaroon ng augmentation personnel mula sa gobyerno.
Ani ng grupo, kahit anong assistance mula sa pamahalaan ay malaki ang maitutulong sa kanilang pagbibigay ng serbisyo.
Proseso sa shipment ng mga PPE at mga medical supplies, pabibilisin ng BOC
Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na mas mabilis na ang gagawing pagproseso sa mga kargamento o mga shipment na naglalaman ng personal protective equipment o PPEs at iba pang medical supplies kabilang na ang mismong bakuna.
Gayunman ay naniniwala ang BOC na posibleng samantalahin ng mga tiwaling negosyante ang pribilehiyo na maaari nang mag-import ng COVID-19 vaccines ang mga pribadong kompanya.
Bukod sa iligal na pag-import ay isa rin aniya sa posibilidad ang pag-manufacture ng mga pekeng bakuna sa bansa na lubhang delikado sa kalusugan ng publiko.
Batay sa record ng BOC ay umabot na sa 15, 715 ang shipment ng PPE at limang shipment ng bakuna kontra COVID ang nabigyan nito ng clearance kabilang na dito ang 25 milyong dosis ng Sinovac at Astrazeneca vaccines.
(BASAHIN: Kapasidad ng healthcare system sa bansa, dapat pataasin —OCTA Research)