Mga residente ng Brgy. Sauyo sa Quezon City, tumanggap ng pamaskong handog mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga residente ng Brgy. Sauyo sa Quezon City, tumanggap ng pamaskong handog mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy

IPINADAMA ni senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy ang diwa ng Pasko sa pamamagitan ng mga ipinamahagi niyang grocery items at saku-sakung bigas sa mga residente ng Brgy. Sauyo, Quezon City.

Marami sa ating mga kababayan nitong Kapaskuhan ang hindi man lang nakapaghanda ng pang-noche buena.

Hirap ang ilan sa kanila na mag-budget – kahit na pang-simpleng handa lang – dahil sa patuloy na pagmahal ng mga bilihin sa panahon ngayon.

Bilang isang Pilipino, ramdam ng spiritual leader ng The Kingdom of Jesus Christ at senatorial aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy ang iniindang hirap ng ating mga kababayan.

Patuloy si Pastor Apollo sa pagtulong sa mga mahihirap na komunidad.

Gaya na lamang nitong Sabado nang mamahagi ang butihing Pastor ng mga pamaskong handog sa mga residente ng Brgy. Sauyo sa Quezon City.

Daan-daang grocery items at mga saku-sakong bigas ang tinanggap ng mga residente.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng humanitarian activities ng butihing Pastor na hindi lamang niya dito ginagawa sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

‘’Itong nasaksihan natin ngayonna pamimigay ng regalo dito sa mga kababayn natin, ito ay matagal ng ginagawa ng ating pinakamamahal na Pastor, Pastor Apollo C. Quiboloy. Mula noong itinayo niya ang paglilingkod ng The Kingdom of Jesus Christ, ito ay kaniyang ginagawa. Mula noon hanggang ngayon ay patuloy niya itong gagawin,’’ ayon kay Bro. Ricky Fuentes Representative, Senatorial Aspirant Pastor Apollo C. Quiboloy.

‘’Ito ay ginagawa ng ating pinakamamahal na Pastor sa buong Pilipinas,’’ dagdag nito.

Labis ang pasasalamat ng mga residente nang makatanggap sila ng pamasko mula kay Pastor Apollo lalo na ngayon dahil – anila – sobrang taas ng presyo ng mga bilihin.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter