Mga residente ng Pasig LGU, aasahan ang mas magandang serbisyo ngayong 2023

Mga residente ng Pasig LGU, aasahan ang mas magandang serbisyo ngayong 2023

IPINANGAKO ng Pasig LGU na aasahan ng mga residente nito ang mas magandang serbisyo para sa taong 2023.

Ayon kay Pasig Mayor Vico Sotto, mas tutukan na ng lokal na pamahalaan ang infrastructure projects para sa lungsod kung ikukumpara noong 2022.

Ito’y dahil nagtatagumpay na aniya ang Pasig sa laban nito kontra korupsyon kaya maaari na ring magkaroon ng mas malalaking infrastructure projects.

Kasabay nito ay mas pag-iibayuhin din aniya ang social service programs at iba pang mga proyekto.

Follow SMNI NEWS in Twitter