Mga smuggled na sibuyas na nadiskubre sa 18 containers, kumpiskado ng Customs

Mga smuggled na sibuyas na nadiskubre sa 18 containers, kumpiskado ng Customs

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) at ng Manila International Container Port (MICP) ang nasa 18 containers na naglalaman ng hinihinalaang smuggled na dilaw at pulang sibuyas.

Ang naturang shipment ay idineklarang naglalaman ng fishballs at dough ng pizza.

Ayon sa Customs, maliban sa misdeclaration ng mga onions, ang dough ng pizza ang ginamit para matabunan ang mga sibuyas.

Wala rin anitong kaukulang permit mula sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon sa Customs, nalabag nito ang Customs Modernization and Tariff Act at Foods and Drugs Act of 2009.

Sa ngayon naman ay kasalukuyang pang iniimbentaryo ng ahensiya ang bilang ng mga sibuyas na nakumpiska maging ang estimated value nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter