Mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement , maagang dumating sa Brgy. 5, Zone 1, Cavite City para sa ‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’

Mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement , maagang dumating sa Brgy. 5, Zone 1, Cavite City para sa ‘Kalinisan, Tatag ng Bayan’

MAAGANG dumating ang mga volunteer ng Sonshine Philippines Movement (SPM) sa Brgy. 5, Zone 1, Cavite City para sa Nationwide Cleanliness Drive na may temang ‘Kalinisan, Tatag ng Bayan.’

Nakikiisa rin sa nasabing environmental activity ang mga opisyal ng barangay, grupo ng mga kabataan na Keepers’ Club at ilang indibidwal.

Ang mga nagkalat na basura dito ay binubuo ng plastik, straw, bag, mga basag na bote o salamin, styrofoam, aluminum cans, tela, plastic bottle, at iba pa.

Ang aktibidad ay inisyatiba ng senatorial candidate at KOJC leader na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter