MMC, nakatakdang irekomenda na isailalim sa MGCQ ang NCR sa Marso

IREREKOMENDA ng Metro Manila Council (MMC) na isailalim sa National Capital Region (NCR) sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Marso.

Ito ang inihayag ni Navotas City Nayor Toby Tiangco sa isang panayam.

Sinabi ni Tiangco na siyam na Metro Manila mayors ang bumoto na ilagay sa MGCQ ang NCR habang walo ang bumoto na manatili sa GCQ.

Matatandaang inirekomenda ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa MGCQ ang buong bansa simula sa Marso 1 upang balansehin ang pagtugon ng bansa na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at ang pangangailangan ng mga Pilipino na muling kumita.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.