TEMPORARYONG isasara ang Mt. Apo Natural Park mula sa anumang trekking at camping sites simula ngayong araw Marso 20 hanggang 30, 2024.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR-Davao), ang pagsasara ay bunsod sa nararanasang ng El Niño.
Mas mainam anila na unahin ang kaligtasan ng mga bisita, maging ang ecosystem ng Mt. Apo.
Dahil dito, ayon sa Man-protected Management Board Executive Committee Resolution No. 1 series of 2024.
Para sa lahat ng trekkers na nakapag-book na sa mga araw na nakasara ang Mt. Apo ay maaaring makipag-coordinate sa organizers upang mai-reschedule ang kanilang trekking activities.