Pilipinas, umakyat ang rankings sa World Happiness Report

Pilipinas, umakyat ang rankings sa World Happiness Report

UMAKYAT ang ranking ng Pilipinas sa World Happiness Report ng United Nations.

Mula sa ika-76 na puwesto noong 2023 ay nasa ika-53 na ito ngayong 2024.

Sa lahat ng mga bansa sa Asya, nasa ika-limang puwesto ito kasunod sa South Korea, Japan, Taiwan, at Singapore.

Nananatili namang numero uno ang Finland at pasok pa rin sa Top 10 ang mga bansa tulad ng Denmark, Iceland, at Sweden.

Ang Afghanistan ang nasa pinakahuli ng rankings lalo na noong Taliban na ang namamahala rito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble