Muslim na wanted sa kasong murder, naaresto sa barko habang patakas

Muslim na wanted sa kasong murder, naaresto sa barko habang patakas

NATAPOS na ang return of the warrant o naibalik na sa mababang hukuman ang warrant of arrest na ginamit sa pag-aresto sa isang wanted person.

Ito’y makaraang naaresto na ang akusadong si Sakin Ganun na residente ng Omar, Sulu at nahaharap sa kasong murder.

Naganap ang pag-aresto habang nakasakay ang suspek sa RoRo vessel mula sa Jolo at patungong Zamboanga City, makaraang nakatanggap ng intelligence report na may sakay ang nasabing barko na wanted na papuntang Zamboanga.

Nauna diyan ay nalabas ng warrant of arrest si Judge Shene Cañete ng Regional Trial Court, Ninth Judicial Region Branch 4 sa Parang, Sulu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter