Nahintong pag-issue ng voters ID, dinipensahan ng COMELEC

Nahintong pag-issue ng voters ID, dinipensahan ng COMELEC

NAGPALIWANAG ang Commission on Elections (COMELEC) kung bakit nahinto o matagal na silang hindi naglalabas ng voters ID.

Sinabi ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na halos 6 na taon na rin ang nakalipas simula nang huminto ang COMELEC sa pag-iimprenta ng voters ID.

Nilinaw naman ni Laudiangco na ito ay para bigyang-daan o paglaanan ng sapat na panahon ang mga proseso para sa national ID system.

Tiniyak naman nito na mayroong ilalabas na voters certification ang COMELEC para sa mangangailangan ng ganitong uri ng dokumento, tulad ng overseas Filipino workers (OFWs).

Follow SMNI NEWS in Twitter