Naitalang sunog sa unang 4 na buwan ng 2023, tumaas sa 8.3%—BFP

Naitalang sunog sa unang 4 na buwan ng 2023, tumaas sa 8.3%—BFP

TUMAAS sa 8.3 percent ang bilang ng naitalang sunog sa bansa sa unang 4 na buwan ng taon.

Ayon sa Bureau of Fire and Protection (BFP), aabot sa 6,155 ang naitalang insidente ng sunog ngayon kumpara sa mahigit 5,600 na naitala noong 2022 sa kaparehong panahon.

Aabot naman sa mahigit P7.79-B ang halaga ng napinsala ng sunog na mas mataas ng 272.5% sa kabuuang napinsala noong 2022.

Bahagya namang bumaba sa 21 ang bilang ng mga nasawi mula sa 25 na naitala noong nakaraang taon.

Tinukoy rin ng BFP na electrical arcing ang pangunahing sanhi ng sunog at pangalawa rito ang electrical ignition dahil sa loose connection.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter