Nakabenepisyo ng libreng sakay ng LRT-2 nitong umaga ng Labor Day, umabot sa mahigit 3k manggagawa

Nakabenepisyo ng libreng sakay ng LRT-2 nitong umaga ng Labor Day, umabot sa mahigit 3k manggagawa

UMABOT sa kabuuang 3,166 na manggagawa ang nakabenepisyo ng ‘Libreng Sakay’ program sa Light Rail Transit 2 (LRT-2) nitong umaga ng Labor Day, May 1.

Kabilang sa mga istasyon ng LRT-2 na may pinakamataas na bilang ng manggagawa na nakinabang sa libreng sakay ay ang mga istasyon sa Antipolo, Recto, Marikina, Cubao, at Pureza.

Maaari pang i-avail ng mga manggagawa ang libreng sakay sa LRT-2 mamayang 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.

Kailangan lamang magpakita ng company identification card o anumang valid government-issued identification card.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter