AABOT na sa labing isang milyong SIM ang nairehistro hanggang ngayong araw ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).
Sa breakdown, 1,017,012 ay para sa Dito; 5,030,649 sa Globe; at 5,172,061 sa Smart.
Ang kabuoang bilang ay 11,219,722.
Nagsimula ang SIM registration noong December 27, 2022 at may 180 days ang mga subscriber para makapagparehistro upang maiwasan ang deactivation ng kanilang mga numero.