INATASAN ng Court of Tax Appeals (CTA) ang Smart Communications na magsumite ng record hinggil sa kanilang nationwide income sa Makati City kung saan ito nakabase.
Ang hakbang ay para maitama o makumpirma ang nakitang P3-B Franchise Tax Deficiency Assessment ng CTA sa Smart para sa taong 2012 hanggang 2015.
Samantala, nauna nang iginiit ng Smart na walang hurisdiksyon ang Makati Treasurer’s Office na i-audit ang financial operations nila sa labas ng lungsod.
Sinabi rin nito na naipresenta na nila ang lahat na kinakailangang records hinggil sa kanilang operasyon at binayaran ang lahat na mga tax.
Inilahad naman ng Makati Regional Trial Court na may kakayahan silang imbestigahan ang kabuuang operasyon ng kompanya batay sa Local Government Code.
