NAKATUTULONG ang full development ng Philippine natural gas industry para makakuha ng investors.
Ayon ito kay Sen. Pia Cayetano matapos inihain niya ang Senate Bill No. 2793 o Philippine Natural Gas Development Act.
Sa kaniyang paliwanag, kung maipasa ang panukala, maaari aniyang maihahalintulad ito sa isang malaking billboard na magbibigay hudyat sa mundo na kung mayroong expertise sila sa natural gas, bukas ang Pilipinas para sa isang exploration.
Ibig sabihin ng exploration, may magandang business opportunities sa bansa.
Ang natural gas, batay sa mga pag-aaral ay makikita sa Pilipinas.