KINUBUKASAN din ay agad na magbibitiw sa kanyang pwesto si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Jonnel Estomo.
Ito ang kanyang matapang na pahayag kasunod ng isinagawang surprise drug test sa lahat ng 67 na third level officers ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa.
Ani Estomo, hindi siya mag-aalinlangan na bitiwan ang kanyang pagiging hepe ng Metro Manila Police kung mapatutunayang siya ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot
Bahagi ito ng kanilang pagpapakita ng suporta sa panawagan sa kanila ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. na courtesy resignation sakaling sangkot ang mga ito sa iligal na droga.
Bukod kay Estomo, sumunod na sumailalim sa drug test ang lahat ng kanyang district directors at colonels sa kanilang hanay.