NCRPO, naghahanda na para sa nalalapit na SONA; Mahigit 22,000 pulis, ipapakalat

NCRPO, naghahanda na para sa nalalapit na SONA; Mahigit 22,000 pulis, ipapakalat

PINAGHAHANDAAN na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa darating na Hulyo 22.

Ayon kay NCRPO at Task Force SONA Commander PMGen. Jose Melencio Nartatez Jr. maaga palang ay sinimulan na nila ang pagsasagawa simulations upang malaman kung epektibo ba ang kanilang mga inilatag na preparasyon.

“Sa paghahanda para sa nalalapit sa State-of-the-Nation Address (SONA), nagsisimula na tayong magkaroon ng simulations upang magkaroon tayo ng ideya kung magiging epektibo ang ating mga inilatag na preparasyon,” ayon kay PMGen. Jose Melencio Nartatez jr. Dir. Comm. SONA, NCRPO.

Dagdag pa ng opisyal, sa darating na SONA ay hindi lang pwersa na magbabantay sa seguridad ang kanilang ipapakalat dahil maglalagay din aniya sila ng para sa medical assistance.

“Hindi lamang seguridad ang ating ipapakalat kundi maging Medical Assistance kaakibat ang mga pampubliko at pribadong ahensya,” saad nito

Pagdating naman sa deployment – sinabi niya na nasa mahigit 22 libong pulis ang kanilang ipapakalat sa iba’t ibang border control points kung saan gaganapin ang SONA.

Ito’y kahit nga wala pa naman silang namomonitor na banta sa seguridad.

“Magtatalaga tayo ng mahigit 22,621 na kapulisan sa iba’t ibang border control points kabilang ang paikot sa Batasang Pambansa kung saan gaganapin ang SONA,” dagdag nito.

Sa nasabing bilang ay nasa mahigit 17 libong pulis ay mula sa NCRPO, mahigit 1 libo naman ang mangmumula sa iba pang unit ng PNP kabilang na ang mga pulis mula sa PRO3 at PRO4A at mahigit 2 libo naman ay mula sa iba pang ahensya ng pamahalaan at mga force multipliers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble