INATASAN ng Pilipinas ang Netflix na tanggalin ang spy drama episodes na tampok ang illegal na 9-dash line ng China.
Inalis na ng netflix ang dalawang episodes ng political drama na ipinalabas nito matapos ireklamo ng gobyerno ng Pilipinas.
Ito’y dahil itinampok sa naturang palabas ang mapa na ipinakita ang nine-dash-line ng China sa South China Sea.
Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), ang naturang spy drama episodes ng ‘pine gap’ ay hindi nararapat na ipapalabas.
Matatandaan na sa arbitral ruling noong July 2016 ay napatunayang isang paglabag sa soberanya ng Pilipinas ang nine-dash line claim ng China sa South China Sea.
Ngunit hindi pa rin gumagawa ang China ng hakbang para sundin ang naturang ruling.
Matapos atasan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Netflix na alisin ang dalawang episodes pa nito, inihayag ng ahensya na ginamit ng China ang medium na ito o ang mga naturang palabas para maipakita na may kapangyarihan ito sa South China Sea o sa West Philippine Sea.
Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagtanggal ng palabas ang Netflix.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay inalis din nito ang buong series matapos magreklamo ang Vietnam dahil sa kaparehong issue.